NU tinambakan ng Ateneo sa UAAP 81 men’s basketball

By Rhommel Balasbas September 23, 2018 - 12:12 AM

Nagpasiklab ang Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kagabi matapos tambakan sa iskor na sa 74-46 ang NU Bulldogs.

Hindi hinayaan ng koponan na maungusan sila ng NU sa buong bahagi ng laban para matiyak ang kanilang sunod na ikalawang panalo.

Binuksan kasi ng Ateneo ang season na talo kontra sa Adamson Falcons sa kanilang naging laban noong September 9.

Ayon kay Ateneo coach Tab Baldwin, ang depensang ipinakita ng kanyang koponan ay ang nais nila talagang maipamalas.

Mula sa iskor na 33-18 sa halftime ay lumobo ang lamang ng Ateneo sa 27 sa huling bahagi ng laban.

Nanguna para sa koponan si Thirdy Ravena na may 13 puntos, four rebounds at three steals.

Pinangunahan naman ni Enzo Jozon ang bulldogs sa kanyang 11 puntos.

Dahil dito, gumanda ang scorecard ng Blue Eagles sa 2-1 habang bumagsak sa 1-2 ang NU.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.