M3.5 na lindol, naitala sa Zambales

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Zambales alas-10:38 gabi ng Sabado.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 10 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Palauig.

May lalim itong 16 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...