Kailangan nang isailalim sa legislative investigation ang nagaganap na ‘tanim-bala’ scam na namamayagpag sa mga paliparan sa bansa, partikular na sa Ninoy Aquino International Airport.
Ito ay ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na sinabi ring may dalawang puntos na dapat pagtuunan ng pansin sa magiging imbestigasyon.
Ani Colmenares, una ay kailangang pag-aralan ang batas hinggil sa panghuhuli ng sinumang makikitaang may dala ng isa o dalawang bala, at pangalawa, dapat ring pag-aralan kung kailangan bang mag-panukala ng batas na mag-aatas na kumpiskahin na lamang ang ang mga bala kung isa o dalawa lang ito at huwag nang kasuhan.
Kailangan aniyang ikonsulta ang posibleng pagsisiyasat dahil napapadalas na rin ang pangyayaring ito at maaari rin na maraming mga matataas na opisyal ang may alam sa nangyayari at pinababayaan lamang.
Base sa pag-aaral ng mga records at videos, marami ang nasisita sa ganitong gawain ngunit kakaunti lamang ang mga nakakasuhan.