Search and rescue ops sa Naga landslide, isinuspinde
By Angellic Jordan September 22, 2018 - 04:52 PM
Pansamantalang isinuspinde ang search and rescue operations sa naganap na landslide sa Naga City, Cebu.
Ito ay makaraang buhos ang malakas na ulan sa lugar pasado ala 1:00, Sabado ng hapon.
Ayon kay provincial disaster council chief Baltazar Tribunalo, nakababahala ang posibleng pagkakaroon ng paggalaw sa lupa sa bahagi ng Sitio Sindulan sa Barangay Tinaan.
Dahil dito, manganganib aniya ito sa buhay ng mga rescuer.
Samantala, umabot na sa 29 katawan ang nahukay sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.