DFA, nagbabala laban sa job offers sa social media

By Angellic Jordan September 22, 2018 - 04:33 PM

Nagbigay ng babala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ito ay matapos mailigtas ang 27 Pinay mula sa isang sex trafficking syndicate sa Malaysia.

Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose, ginamit ng sindikato ang social media para mag-alok ng trabaho bilang promodizer ng alak sa apat na establisimyento sa Singapore.

Sa inilabas na pahayag, hinikayat ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino na pag-isipang mabuti bago mag-apply sa mga nakikitang job opportunities online.

Marami na aniyang kaso ng mga Pilipinong nabibiktima at nauuwi ang trabaho bilang kasambahay sa iba’t ibang bansa.

Samantala, nailigtas ang mga biktima matapos i-raid ang isang apartment kung saan namamalagi ang mga ito sa Johor Bahru.

Naaresto ang Pinoy caretaker ngunit kalaunan ay pinalaya rin.

TAGS: DFA, sex trafficking syndicate, DFA, sex trafficking syndicate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.