Pagpapagamot ng mga sugatang sundalo at sibilyan sa CDO, ipinangako ni Duterte

By Angellic Jordan September 22, 2018 - 04:20 PM

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na sasagutin ng gobyerno na sasagutin ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng mga sugatang sundalo at sibilyan na naka-confine sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro.

Binisita ni Duterte ang 10 sundalo at dalawang sibilyan, araw ng Biyernes, September 21.

Nasugatan ang mga ito sa kasagsagan ng kabi-kabilang military offense operations sa lugar.

Sa isang pahayag, sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nais anila ng pangulo na personal na alamin ang kondisyon ng mga ito at mapagtibay ng kanilang moral.

Ayon pa sa PCOO, kinausap ni Duterte ang mga sugatan at pinangaralan ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kampilan.

Maliban dito, pinagkalooban din ang mga sugatan ng cellphone, tulong-pinansiyal, caliber .45 na baril at relo.

Binista ni Duterte ang mga sugatan matapos ang kaniyang dalawang pinuntahang appointment sa Cebu.

TAGS: Cagayan De Oro, pcoo, Rodrigo Duterte, Cagayan De Oro, pcoo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.