Duterte, inaming sumailalim sa Colonoscopy at Endoscopy
Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim ito sa Colonoscopy at Endoscopy kamakailan lamang.
Sa press statement, sinabi ng Malakanyang na mismong ang pangulo ang umamin nito sa kanyang talumpati sa harap ng mga doktor sa Lapu Lapu City, Cebu.
Ang Endoscopy ay non-surgical procedure para suriin ang digestive tract ng pasyente habang ang Colonoscopy ay eksaminasyon para ma-detect ang pagbabago o abnormalidad sa large intestine at rectum.
Ayon sa pangulo, maski ang kanyang anak na si Baste ay nagkaroon din ng problema sa bituka dati.
Dahil dito ay nangako si Duterte na pagbutihin ang health service sa bansa sa pamamagitan ng pagpuksa sa kurapsyon.
Matatandaan na nanawagan dati si Rep. Gary Alejano na isapubliko ng pangulo ang estado ng kanyang kalusugan dahil sa lagi nitong pahayag na pagod na siya at nais nang bumaba sa pwesto.
Una namang sinabi ni CPP founder Jose Maria Sison na na-comatose si Duterte, bagay na itinanggi ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.