Halos P1-B calamity funds, hindi ginagamit ng DND

November 02, 2015 - 04:23 AM

 

Inquirer file photo

Kinastigo ng Commission on Audit ang napakabagal na paggamit ng Office of Civil Defense sa Quick Reaction Funds at iba’t ibang mga donasyon na nakalaan sana para sa mga biktima ng mga nakaraang kalamidad sa bansa.

Ito’y matapos madiskubre ng COA na nakatago lamang sa bangko ang aabot sa P923M halaga ng mga donasyon at pondo na ibinigay sa Office of Civil Defense

Sa 2014 report ng COA, sa kabuuang P466-M halaga ng mga donasyon na tinanggap ng NDRRMC sa pamamagitan ng OCD simula pa noong taong 2008, nasa P81-M o katumbas ng 17 percent ang nagamit ng ahensiya.

Noong 2013, tumanggap ng kabuuang P137-M ang NDRRMC bilang tulong sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda, ngunit nasa P38.7-M lamang ang napakinabangan.

Sa kasalukuyan, may P384.95-M aniya na pondo ang OCD na nakadeposito sa Development Bank of the Philippines, na kumite na ng P1.709-M na interes dahil sa tagal nitong nakaimbak sa bangko.

Ayon sa COA, sa halip na nakadeposito, dapat ay ibinalik na ang pondo sa Bureau of Treasury o ibinalik sa mga donors.

Dahil sa hindi ginamit ang pondo na nakalaan para sa mga biktima ng kalamidad, milyun-milyong mga benepisyaryo ang hindi nabigyan ng sapat na tulong giit pa ng COA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.