Brgy & SK elections sa Marawi, nagsimula na

By Angellic Jordan September 22, 2018 - 03:50 PM

Dumagsa na ang mga botante sa isang paaralan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Marawi City.

Sa kabuuan, 12 barangay ang boboto sa Sagonsongan Elementary School.

Makikita sa labas ng polling center ang ilang nagpapamigay pa rin ng iba’t ibang campaign materials.

Samantala, nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang otoridad sa lugar kasama ang pagkapkap sa mga botante bago makapasok ng paaralan.

Nagpakalat din ng mga pulis at sundalo sa paaralan para matiyak ang maayos na botohan sa eleksyon.

TAGS: Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, marawi, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, marawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.