Pamilya ng mga nasawi sa Naga landslide, binigyan ng burial assistance ng DSWD

By Alvin Barcelona September 22, 2018 - 03:36 PM

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patuloy na pagtulong sa mga biktima ng landslide sa Naga, Cebu.

Kabilang si DSWD Secratary Virginia Orogo sa mga dumalaw sa mga biktima ng landslide kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, araw ng Biyernes.

Sa kabuuan, mayroong 897 na pamilya o mahigit na 2,000 na indibidwal ang naapektuhan ng landslide habang 29 ang nasawi.

Nabigyan na ng DSWD ng tig-P25,0000 na financial assistance ang mga pamilya ng mga nasawi.

Bukod sa burial assistance, namigay din ang kagawaran sa pamamagitan ng field office office 7 nito ng mga food at non-food items na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.

Nanatili rin ang 24-hr operation ng DSWD FO7 quick response team para magbigay ng tulong sa mga nasa evacuation center.

Naglagay na rin ang ahensya ng mga child and women friendly spaces sa iba’t ibang evacuation center para matiyak ang kaligtasan at maibigay ang kanilang pangangailangan kabilang ang mga senior citizen at mga persons with disabilities.

TAGS: Cebu landslide, dswd, Cebu landslide, dswd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.