Angara, itinalaga bilang bagong LDP president

By Angellic Jordan September 22, 2018 - 02:43 PM

Itinalaga na si Senador Sonny Angara bilang bagong presidente ng partidong Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP).

Sa inilabas na pahayag, inilarawan ng senador na ang pagiging bagong presidente ng LDP sa paparating na eleksyon ay oportunidad para ipagpatuloy ang hangarin ng kaniyang ama para sa bansa.

Aniya, ang pagpanaw ng kaniyang ama ay hindi dapat makaapekto sa mga nais na reporma para sa mga Pilipino.

Dapat pa aniya itong magsilbing inspirasyon para isulong ang mga mahahalagadang reporma.

Ang LDP ay binuo ng kaniyang ama na si dating Senate President Edgardo Angara noong 1988.

Pumanaw ang nakatatandang Angara dahil sa atake sa puso sa edad na 83.

TAGS: ldp, Senador Sonny Angara, ldp, Senador Sonny Angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.