Presyo ng bilihin, tataas pa sa Setyembre – BSP

By Alvin Barcelona September 22, 2018 - 02:33 PM

Aminado ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mas tataas pa ang halaga ng bilihin sa buwan ng Setyembre.

Sinabi ito ni BSP deputy governor Diwa Gunigundo matapos na ilahad ng mga economic manager ng administrasyon na makaka-apekto sa ekonomiya ang pagsalanta ng Bagyong Ompong sa bansa.

Sa inisyal na pagtaya ng Department of Agriculture, umaabot sa mahigit P14 bilyon ang naging pinsala ng Bagyong Ompong sa sektor ng agrikultura.

Umaasa si Gunigundo na makatutulong na mapagaan ang epekto ng mataas na inflation ang nilikha nilang composite monitoring team na tututok sa presyo ng bigas at ang pinasimpleng alituntunin sa importasyon nito.

Noong katapusan ng Agosto, pumalo sa 6.4 percent ang inflation rate pero naniniwala si Gunigundo na bababa at mananatili sa lebel ng 2 hanggang 4 percent ang inflation rate ng bansa pagsapit ng 2019 hanggang 2020.

TAGS: Bagyong Ompong, BSP, BSP deputy governor Diwa Gunigundo, BUsiness, Inflation, Bagyong Ompong, BSP, BSP deputy governor Diwa Gunigundo, BUsiness, Inflation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.