2 Cafgu members, sugatan sa engkwentro sa Albay

By Angellic Jordan September 22, 2018 - 02:20 PM

Sugatan ang dalawang Cafgu ng Philippine Army makaraang makaengkwentro ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Guinobatan, Albay.

Ayon kay CInsp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nakilala ang mga sugatan na sina Roberto Tripulca at Ivan Napay na parehong miyembro ng PA Civilian Armed Forces Geographical Units (Cafgu) sa ilalim ng 22nd Infantry Battalion.

Nagpapatrolya ang mga sundalo nang bilang umatake ang limang rebelde sa bahagi ng Purok 3, Barangay Doña Mercedez bandang 7:00 ng umaga.

Batay sa ulat, mayroon ding sugatan sa hanay ng rebeldeng grupo.

Patuloy naman ang operasyon ng tropa ng pamahalaan para matugis ang mga rebelde.

TAGS: cafgu, NPA, Philippine Army, cafgu, NPA, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.