Thunderstorm advisory, itinaas sa Metro Manila at ilang lalawigan

By Angellic Jordan September 22, 2018 - 01:44 PM

Credit: PAGASA

Nagtaas ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan, Sabado ng hapon.

Sa abiso ng weather bureau, asahan na ang malakas na rainshower na kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Zambales, Rizal, Bulacan, Laguna, Batangas at Cavite.

Sinabi ng PAGASA na mararamdaman ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Samantala, mararanasan din ang kaparehong sama ng panahon sa Quezon partikular sa bahagi ng Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Pitogo at Calauag sa susuod na dalawang oras.

Dahil dito, inabisuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.

TAGS: Batangas, Bulacan, cavite, laguna, Metro Manila, Pagasa, Rizal, thunderstorm advisory, zambales, Batangas, Bulacan, cavite, laguna, Metro Manila, Pagasa, Rizal, thunderstorm advisory, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.