Inulit ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang paggiit na hindi siya tatakbo bilang pangulo sa susunod na eleksyon.
Ito’y sa kabila ng paghiling ng kanyang Partidong PDP-Laban na siya ang humalili sa umatras na si Martin Diño bilang presidential candidate ng kanilang partido.
Paliwanag ni Duterte, hanggang sa ngayon, wala pa rin naman siyang natatanggap na abiso mula sa kanilang partido ukol sa paghalili niya kay Diño.
Ngunit kung skali aniya, kanya itong tatanggihan dahil sa hindi niya masisikmurang tumakbo bilang pangulo ng bansa.
Ang tanging plano niya aniya ay ang tumakbo para sa ikalawang termino bilang mayor ng Davao City.
Sakali naman aniyang gustong tumakbo ng kanyang anak sa pagka-alkalde ng lungsod, mas gugustuhin niyang mag-retiro na lamang.
Ipinaliwanag din ng alkalde na ang pagpapakalbo ng kanyang mga anak kamakilan ay hindi upang himukin siyang tumakbo bilang presidente ngunit ito ay upang pigilian siyang tumakbo sa pagka-pangulo.