Mga rally sa anibersaryo ng Martial law declaration, mapayapa – NCRPO
Naging mapayapa ang mga ikinasang kilos-protesta sa paggunita ng ika-46 anibersaryo ng Martial law declaration araw ng Biyernes, September 21.
Sa isang panayam, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na maayos na naidaos ang mga programa ng grupo ng mga anti at pro sa bahagi ng Roxas Boulevrad at Luneta.
Inasahan na aniya ng mga otoridad na hindi magkakaroon ng kaguluhan dahil sa naging maayos na preparasyon dito.
Matatandaang nakipagpulong ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa mga lider ng iba’t ibang grupo na dumalo sa programa.
Ayon kay Eleazar, pinagbatayan ng kanilang deployment ang resulta ng pagpupulong.
Nagtayo ang pulisya ng mga barikada sa ilang lugar para maiwasan ang pag-aabot ng pro at anti groups.
Umabot aniya sa 12,000 pulis ang ipinakalat para mapanatili ang kaayusan sa mga programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.