Death toll sa Itogon landslide, umabot na sa 41

By Len Montaño September 22, 2018 - 01:12 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

(Updated) Siyam pang bangkay ang narekober ng rescuers araw ng Sabado mula sa landslide area sa Itogon, Benguet.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) sa Cordillera, sa Barangay Ucab lamang ay nasa 41 na ang death toll habang ang kabuuang bilang ng namatay sa bayan ng Itogon ay umabot na sa 66.

Pero umaasa pa rin ang mga otoridad na may makikita pa silang survivor sa mga naiulat na nawawala.

Plano umano ng mga rescuers na pasukin ang tunnel na may oxygen tanks para maghanap ng posibleng survivors.

Pero maaaring matigil ang operasyon oras na pumasok sa bansa ang Bagyong Paeng kasunod na rin ng babala na prone sa isa pang landslide ang lugar.

TAGS: death toll, Itogon landslide, death toll, Itogon landslide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.