DENR naglagay ng environmental officers sa Boracay

By Den Macaranas September 22, 2018 - 10:09 AM

Inquirer file photo

Para sa maayos na pagbubukas ng Boracay sa Oktubre 26 ay maglalagay ang Departmernt of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga environmental enforcers sa buong isla.

Babantayan ng nasabing mga environmental enforcers ang maayos na pagpapatupad sa ilang mga inilatag plano para sa pangangalaga sa buong Boracay.

Pagbabawalan rin ang mga walk-in visitors na mag-overnight sa pagpapatupad ng dry run operation ng mga establishmento sa nasabing isla.

Sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu na 1,000 mga silid lamang ng mga hotel sa Boracay ang may inisyal na permit mula sa kanilang tanggapan para mag-operate sa susunod na buwan.

Sasamantalahin umano nila ang nasabing bilang para mamonitor ang kalidad na tubig na itatapon ng mga ito sa muling pagbubukas ng kanilang operasyon.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na gagawin nilang template ang rehabilitasyon ng Boracay para sa pagsasa-ayos ng iba pang mga tourists’ destination sa bansa.

Nauna na ring sinabi ni Cimatu na pinag-aaralan na nilang isara muna sa mga turista ang Baguio City at isailalim ito sa rehabilistasyon.

TAGS: boracay, cimatu, Dry Run, environmental enforcers, boracay, cimatu, Dry Run, environmental enforcers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.