Drew Olivar iimbestigahan ng PNP dahil sa bomb joke

By Den Macaranas September 22, 2018 - 08:42 AM

Hindi palalampasin ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang bomb joke ng blogger na si Drew Olivar.

Ito ay makaraan siyang mag-post sa kanyang social media account na posibleng may sumabog na bomba sa mga lugar kung saan ginugunita ang 46th anniversary ng martial law declaration.

Ipinaliwanag ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na kailangang linawin ni Olivar kung ano ang kanyang ibig sabihin sa kanyang social media post.

Nilinaw ni Eleazar na posibleng makulong ang mga gumagawa ng bomb joke base sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law.

Sineseryoso umano ng pamahalaan ang ganitong mga isyu para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng publiko.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang pangalan ni Olivar kasama si Presidential Communications Asec. Mocha Uson makaraan ang kanilang viral video kaugnay sa pederalismo.

Nasundan ito nang kanilang video na inireklamo naman ng ilang person with disability (PWD) groups.

TAGS: bomb scare, Drew Olivar, elazar, NCRPO, bomb scare, Drew Olivar, elazar, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.