Presyo ng langis sinisi ni Pangulong Duterte sa inflation
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na may problema sa inflation ang bansa.
Sa isang forum sa Lapu-Lapu City, Cebu kahapon, sinabi ng pangulo na kung may dapat sisisihin sa mataas na presyo ng bilihin ito ay ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa pangulo, isang bagay na hindi binigay ng Diyos sa Pilipinas na naibigay sa ibang bansa ay langis.
Sobrang mahal anya ng presyo ng langis na dahilan ng pagsipa ng presyo ng mga produkto.
“We are poor. One thing God gave to other people he didn’t give to us. It’s oil. What’s driving inflation these days? It’s the prices of oil… Very expensive, that’s why,” ani Duterte.
Matatandaang pumalo sa 6.4 percent ang inflation rate ng bansa nitong Agosto na pinakamataas sa loob ng halos isang dekada.
Samantala, sinabi ni Duterte na isa ang ginagawang pagtugon ng kanyang administrasyon sa droga, korapsyon at rebelyon ay isang paraan para mapalago ang ekonomiya.
“For as long as there is no law and order, and there is corruption in the government, this country will never rise,” dagdag ng presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.