4 patay sa magkahiwalay na engkwentro sa Valenzuela at QC

By Jong Manlapaz September 22, 2018 - 06:10 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Hindi na nagawa pang makatakas ang dalawa sa anim na suspek na nanghold-up sa isang gasolinahan sa Susano Road Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Ito ay matapos matyempuhan ang mga ito ng mga pulis na sakay ng motorsiklo.

Nagtangka pa ang mga ito na takasan ang mga pulis pero napatay din ang mga ito.

Sa kwento ng mga biktima, tatlong riding in tandem ang pumarada sa gasolinahan at isa ang lumapit sa kanila at nagdeklara ng hold-up.

Nang maproseso ng SOCO ang crime scene, nakuha ang dalawang baril na ginamit ng mga suspek, mga pera at dalawang celphone na pagmamay-ari ng mga biktima.

Kuha ni Jong Manlapaz

Samantala, patay rin ang dalawang hinihinalang miyembro ng gun for hire at robbery hold-up sa ikinasang entrapment operation ng Valenzuela Police sa Brgy. Ugong.

Ayon sa imbestigasyon, nagpanggap ang mga pulis na bibili ng baril sa dalawang suspek na kinilalang sina alyas ‘Bembem’ at ‘Macmac’.

Pero ng matunugan na pulis ang kanilang katransaksyon nanlaban umano ang dalawa sa mga pulis kaya napatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.