Bagyong binabantayan ng PAGASA, bahagyang bumilis; papasok na ng PAR bukas
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa 4am weather advisory ng weather bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 2,015 kilometro Silangan ng Southern Luzon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbusong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Bumilis ang pagkilos ng bagyo sa 20 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran.
Wala pa itong direktang epekto sa bansa ngunit inaasahang papasok na ng bansa bukas ng hapon kung hindi magbabago ang bilis ng takbo at direksyon.
Papangalanan itong ‘Paeng’ pagpasok ng PAR.
Sa ngayon ang intertropical convergence zone (ITCZ) ang nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Dahil dito, makararanas ngayong araw ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa MIMAROPA, buong Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at CARAGA.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.