Pangulong Duterte, nagpahayag ng galit sa naganap na landslide sa Naga, Cebu

By Len Montaño September 22, 2018 - 12:05 AM

Nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte matapos maganap ang landslide sa Naga City, Cebu kung saan hindi bababa sa 29 na bangkay na ang narekober.

Sa kanyang talumpati sa Cebu, sinabi ng Pangulo na nagalit sya dahil sa nangyari.

Muling inihayag ng Pangulo ang pagkadismaya sa mining operation sa bansa.

Una na nitong sinabi ang pagnanais na itigil ang open pit mining lalo na’t ang small scale mining ang sinasabing dahilan ng landslide sa Itogon, Benguet.

Binisita ni Duterte ang evacuation center kung saan naroon ang mga pamilyang naapektuhan ng landslide sa Bgy. Naalad at Sitio Sindulan sa Bgy. Tinaan.

Kasama sina Environment Sec. Roy Cimatu at Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, nakipag-usap ang Pangulo sa ilang evacuees at lokal na opisyal kabilang si Cebu Governor Hilario Davide III.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.