Bong Ravena bagong head coach ng TNT

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 08:37 PM

Itinalaga bilang bagong head coach ng koponang TNT si Bong Ravena kapalit ni Nash Racela.

Ang promosyon ay ibinigay kay Ravena matapos ang 10 taon niyang pananatili sa koponan.

Si Ravena ay nanilbihan bilang assistant coach ng KaTropa sa ilalim ng mga head coach na sina Chot Reyes, Normal Black, Jong Uichico at Racela.

Naghain si Racela ng leave sa koponan matapos ang tatlong magkakasunod na talo nito.

Itinalaga naman si Eric Gonzales bilang interim head coach.

At ngayon nga ay si Ravena na ang magiging bagong head coach ng koponan.

TAGS: Bong Ravena, KaTropa, TNT, Bong Ravena, KaTropa, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.