Nagbabala ang Boracay Foundation Inc., sa posibilidad ng matinding epekto ng mga insidente ng ‘tanim-bala’ sa mga paliparan sa bansa sa sektor ng turismo.
Paliwanag ng gurpo ng mga negosyante, dumadagsa na ang mga nagtatanong sa kanilang mga foreign counterparts sa isyu ng ‘tanim-bala’na kanilang nababalitaan sa pamamagitan ng social media.
Ayon kay Nenette Aguirre-Graf, vice president ng grupo, dapat na agarang aksyunan ng gobyerno ang naturang isyu at bigyan ng katiyakan ang mga biyehero na ligtas pa ring lumabas at pumasok ng bansa gamit ang mga paliparan.
Mababalewala aniya ang kampanya ng pamahalaan at ng mga pribadong kumpanya na manghikayat ng mga turista sa bansa kung hindi mapipigilan ang naturang raket para kumite ng iilang tao.
Ang sektor turismo ang isa sa mga pinagmumulan ng kita ng gobyerno at kung magpapautuloy aniya ang mga kaso ng ‘tanim bala’ ay tiyak na itong maapektuhan.
Noong nakaraang taon, umabot sa 1.47 milyong turista ang bumisita dito na nagpasok ng mahigit P40.7 bilyong piso sa bansa.