Lalaki nagbaril sa sarili matapos patayin ang 2 kaanak

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 07:09 PM

Police banner

Nagbaril sa sarili ang 59 anyos na lalaki matapos niyang unang barilin ang kaniyang stepmother at kapatid nito sa Castillejos, Zambales.

Naganap ang insidente, Biyernes ng umaga.

Batay sa imbestigasyon, sinugod ng suspek na si Danilo Francisco ang bahay ng magkapatid na sina Jocelyn Franciso at Antonio Pardillo Jr., sa barangay San Nicolas.

Ayon kay PO2 James Dance, bigla na lang binaril ng suspek ang dalawa.

Stepmother ng suspek si Jocelyn.

Matapos ang ginawang krimen ay umuwi si Francisco at nagbaril naman sa sarili.

Ayon sa mga otoridad maaring away sa lupa ang ugat ng insidente.

TAGS: Castillejos, zambales, Castillejos, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.