5 kabilang ang 3 sanggol sugatan sa pananaksak sa daycare center sa New York

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 06:52 PM

Sugatan ang limang katao kabilang ang tatlong mga bata sa insidente ng pananaksak sa isang daycare center sa New York City.

Nadiskubre ang duguang mga biktima kabilang ang mga sanggol na dalawang babae at isang lalaki na agad isinugod sa ospital.

Ayon sa mga otoridad, seryoso ang kondisyon ng isa sa mga sanggol.

Ang dalawa pang sugatan ay isang babaeng nagtatrabaho sa center at ang ama ng isa sa mga batang biktima.

Suspek sa pananaksak ang 52 anyos na babae na empleyado sa daycare.

Natagpuan siya ng mga pulis sa basement ng pasilidad na may mga hiwa din sa kaniyang kamao.

Hawak na ng mga otoridad ang suspek at patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: daycare center, New York, stabbing incident, daycare center, New York, stabbing incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.