Survivor nakuha ng mga rescuer sa landslide sa Naga City

CPPO Photo

Isang survivor ang nakuha mula sa landslide area sa Bgy. Tinaan sa Naga City, Cebu .

Ayon sa rescuers, ang nakaligtas ay si Nito Gepoet na nakuha mula sa guho pasado alas 4:00 ng hapon.

Pero sa ngayon ay wala pang ibang detalye ang command center sa naturang impormasyon.

Sa ngayon umabot na sa siyam ang nailigtas sa nasabing landslide na naganap Huwebes ng umaga.

Read more...