Mga nagpa-biometrics, hindi pa otomatikong mga botante-Comelec

November 02, 2015 - 04:06 AM

 

comelec pilaHindi pa ganap na mga botante ang milyun-milyong mga nagtungo sa mga tanggapan ng Commission on Elections nitong mga nakaraang labimpitong buwan.

Paliwanag ng Comelec, lahat ng mga nagpakuha ng kanilang mga biometrics data ay dadaan muna sa kaukulang proseso ng Election Registration Board o ERB bago sila opisyal na maitala bilang botante.

Pagkatapos nito ay doon lamang malalagay ang kanilang pangalan sa opisyal na listahan ng mga voters.

Paliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez, ang mga nagpa-rehistro ay matatawag pa lamang na ‘aplikante’ upang mabigyan ng pagkakataong makaboto.

Sa oras na dumaan na ang kanilang mga ‘aplikasyon’ sa ERB at sila ay maaprubahan, dito lamang sila matuturing na lehitimong botante.

Sa ilalim ng Republic Act no. 8189, o ang Voter’s Registration Act, of 1996, ang ERB ang siyang may karapatang magdeklara sa isang ‘nagparehistro’ kung lehitimo itong botante o hindi.

Sa bawat bayan, ang ERB ay binubuo ng city o municipal election officer, isang public school official at ang lokal na civil registrar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.