LOOK: Konsulada ng Pilipinas sa Houston muling bubuksan

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 05:09 PM

DFA Photo

Dalawampu’t limang taon matapos isara muling bubuksan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine Consulate General sa Houston.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, sa pagbubukas ng konsulada, mas mapapalapit sa sebisyo ang Filipino Community sa south central ng Estados Unidos.

Ang konsulada ay isinara noong September 1993, at sa September 24, 2018 ay muli na itong bubuksan.

Tinatayang maseserbisyuhan nito ang 179,000 na mga Filipino sa Arkansas, Louisiana, Mississippi, New Mexico, Oklahoma at Texas.

Sa pagbubukas sa Lunes, kabilang sa mga serbisyo na ibibigay ng konsulada ay ay ang civil registry services gaya ng Reports of Birth, Marriage at Death, notarial services, affidavits certification, issuance ng travel documents at fingerprinting para sa National Bureau of Investigation (NBI) clearances.

Sa mga susunod na araw naman ay magiging available na rin sa konsulada ang Passport processing, visas, authentication services at dual citizenship services.

Magbibigay din ito ng tulong kung mayroong Pinoy na magkakaproblema.

Ang konsulada ay matatagpuan sa 9990 Richmond Avenue, Suite 270N, Houston, Texas, at sa pagtatapos ng taon ay lilipat sa Suite 100N sa parehong gusali.

TAGS: Department of Foreign Affairs, houston, Philippine Consulate General, Department of Foreign Affairs, houston, Philippine Consulate General

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.