Arraignment kay Misuari sa kinakaharap na kaso ipinagpaliban ng Sandiganbayan

Hindi natuloy ang nakatakda sanang pagbasa ng sakdal ngayong araw kay dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Nur Misuari sa kinakaharap niyang kaso sa Sandiganbayan.

Sa halip, muling itinakda ng Sandiganbayan 3rd division ang pagbasa ng sakdal kay Misuari sa November 23.

Ayon sa korte, may nakabinbin pa kasing mosyon si Misuari na humihiling na mabasura ang kasi.

Si Misuari ay nahaharap sa dalawang bilang ng kasong graft at malversation trough falsification dahil sa maanomalyang pagbili umano ng education materials noong siya ay gobernador pa.

Base sa imbestigasyon, pinaburan umano ni Misuari ang CPR Publishing House, MBJ Learning Tolls at White Orchids para sa pagbili ng mga textbooks noong taong 2000 hanggang 2001.

Pineke umano ni Misuari ang mga procurement documents para maipalabas na legal ang kontrata na nagkakahalaga ng P77.26 million.

Giit ni Misuari, hindi na siya ang gobernador ng ARMM nang maganap ang bayaran sa nasabing proyekto.

Read more...