WATCH: Malakas na ulan naranasan sa QC at Maynila, ilang lansangan ang binaha

Malakas na ulan ang naranasan sa ilang parte ng Quezon City at sa lungsod ng Maynila, ngayong Biyernes ng hapon.

Sa bahagi ng University of the Philippines o UP Diliman, tinapos na ang anti-martial law rally bago mag-ala una ng hapon dahil sa malakas na ulan.

Nag-zero visibility doon, at mayroon ding ilang lugar sa UP compound ang bahagyang binaha.

Sa Quezon Avenue, malakas na ulan na may pagkulog at pagkidlat ang naranasan.

Hanggang sa España, Maynila ay malakas din ang naranasang ulan kaya nagkaroon ng kaunting pagbigat sa daloy ng trapiko patungong Quiapo area.

Batay sa 1PM advisory ng PAGASA, asahan na ang malakas na ulan na may kulog at kidlat sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa Metro Manila, binalaan din ang mga residente sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Pampanga at Nueva Ecija, maging sa Bulacan, Batangas, Cavite, Rizal at Quezon.

Read more...