Ayon sa PAGASA ang tropical depression ay huling namataan sa 2,160 kilometers East ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong north northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Sa Linggo ng hapon inaasahang papasok ng bansa ang bagyo bilang isang tropical storm at papangalanan itong “Paeng”.
At habang nasa loob ng bansa ay lalakas pa ito at magiging isang typhoon kung saan makakaaapekto na ito sa bahagi ng extreme Northern Luzon.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga ilalabas nilang abiso tungkol sa nasabing bagyo.