Presidente ng Vietnam, pumanaw sa edad na 61

Pumanaw na ang si Vietnam President Tran Dai Quang.

Sa ulat ng state television ng Vietnam, pumanaw ang 61-anyos na presidente sa ospital.

“Serious illness” lang ang binanggit na dahilan ng pagpanaw Quang.

Nagsimulang manilbihan bilang presidente ng Vietnam si Quang noong April 2016.

Noong September 2016, personal na nakaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Quang sa Hanoi sa kaniyang official visit sa nasabing bansa.

Muli silang nagkita noong November 2017 sa Asia Pacific Economic Cooperation-Business Advisory Council dialogue.

Read more...