Sa datos ng BSP, umabot sa $2.4 bilyon ang halaga ng pera na ipinadala ng mga manggagawang Filipino sa iba’t ibang bansa.
Pagpapakita ito ng pagtaas na 5.2 percent kumpara sa $2.28 bilyon noong Hulyo 2017 at pagbawi sa 4.5 porsiyentong pagbaba noong Hunyo.
Sa July cash remittances, ang mga land-based OFWs ay nagpadala ng $1.9 bilyon, samantalang $511 milyon naman mula sa Filipino seafarers.
Malaking halaga nito ay mula sa US, Canada, United Kingdom at Germany.
Tinataya na may 10 milyong Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo ang regular na nagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.
Ang pagtaas ng cash remittances ay dahil sa mataas na palitan ng dolyar sa piso.