International People’s Tribunal, hindi tunay na korte – Sec. Panelo
Nanindigan ang Malakanyang na hindi hindi tunay na hukuman ang International People’s Tribunal na nagdeklara kay pangulong rodrigo duterte na guilty sa mga human rights violations sa bansa.
Sinabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang IPT ay isa lamang human rights organization.
Trabaho aniya ng IPT na patulan ang mga negatibong publicity at mga akusasyon laban sa mga pinuno ng bansa at mga gobyerno.
Ang tunay na korte aniya ay may demanda at sagutan hindi tulad nang ginawa ng IPT na litis-litisan lamang.
Sinabi din ni Panelo na kahit ipagpalagay na totoo ang mga sinasabi nitong akusasyon, hindi ito kayang patunayan ng ipt dahil wala naman sila dito sa bansa.
Iginiit muli ni Panelo ang matagal na nilang sinasabi na walang hurisdiksyon sa Pilipinas ang anumang hukuman sa ibang bansa.
Bukod kay Duterte, napatunayan din ng IPT si US President Donald Trump na guilty sa crimes against humanity.
Ang pinal na hatol ng IPT ay nakatakdang isumite sa International Criminal Court, United Nations Human Rights Council, European Parliament at iba pang international organization.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.