Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa CALABARZON

Nakataas ang thunderstorm advisory sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Sa abiso na inilabas ng PAGASA alas 10:49 ng umaga, nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang nasabing mga lalawigan.

Tatagal ang nararanasangn malakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa loob ng dalawang oras mula nang ilabas ang abiso.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga nakatira sa mabababang lugar sa posibleng pagbaha.

Read more...