LOOK: Mga pangunahing lansangan sasailalim sa repair ngayong weekend
Ilang mga lansangan sa C5 at sa EDSA ang kasama sa isasailalim sa repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sisimulan ang repair alas 11:00 ng gabi mamaya (Sept. 21).
Kabilang sa apektado ng repair at re-blocking ang mga sumusunod na kalsada:
SOUTHBOUND:
– C5 Road bago mag-Tiendesitas malapit sa C-5 Ortigas Flyover
– C5 Road (Gap 3) Chainage 52 hanggang Chainage 420 (1st lane
– EDSA sa harap ng Francesca Tower hanggang sa pagkalagpas ng Sct. Borromeo (3rd lane mula sa center island)
NORTHBOUND:
– EDSA sa tabi ng Trinoma Mall (6th lane mula center island)
– A.H. Lacson Ave. kanto ng Aragon Street at kanto ng P. Florentino Street.
– Batasan Road bago mag-Everlasting Street sa harap ng QCPU (2nd lane)
– C5 Road bago mag-MRT Avenue
Lahat ng nabanggit na lansangan ay sarado ngayong weekend at muling bubuksan sa Lunes (Sept. 24) alas 5:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.