Nakuhang katawan sa landslide sa Itogon, umabot na sa 29
Umabot na sa 29 na katao ang nahukay sa landslide na naganap sa Barnagay Ucab, Itogon, Benguet.
Sa ngayon patuloy ang retrieval operations dahil mayroong 40 pang nawawala.
Inaasahan din na mas mapapabilis ang operasyon, dahil mayroon nang isang heavy equipment na nakapasok sa kabilang bahagi ng landslide.
Isa pang heavy equipment ang susubok ding makapasok sa ground zero ngayong araw.
Habang ginagawa ang operasyon, ang mga tauhan naman ng mines geosciences bureau ng DENR ay patuloy sa pag-assess sa sitwasyon para matiyak na ligtas ang mga tumutulong sa retrieval operations.
Mga tauhan ng MGB nagsagawa ng inspeksyon sa Ucab, Itogon, Benguet upang matiyak ang kaligtasan ng mga rescuer @dzIQ990 pic.twitter.com/IzhzsLj1Dg
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) September 21, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.