P3B halaga ng pekeng produkto winasak ng BOC
By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 08:39 AM
Sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa P3 bilyon na halaga ng mga pekeng produkto.
Kabilang dito ang mga lotion, pabango, shampoo, make-up at iba pa.
Ang nasabing daan-daang kahon ng mga produkto ay winasak sa pasilidad sa San Pedro, Laguna.
Ayon sa BOC, ginawa ang pagwasak sa ilalim ng Section 1146 ng Customs Modernization and Tariff Act na nagsasaad na ang mga nasasabat na counterfeit products ay dapat sirain
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.