Saudi employer na nagpainom ng bleach sa isang OFW kinasuhan na
Nasampahan na ng reklamong torture ng mga otoridad sa Saudi ang employer ng Overseas Filipino Worker (OFW) na pwersahang pinaimom ng bleach.
Na-confine sa intensive care unit sa Saudi noong Abril ang OFW na si Agnes Mancilla, 35 anyos tubong Infanta, Quezon matapos na painumin siya ng household bleach ng kaniyang Saudi National na amo.
Sa pahayag ng DFA, sasailalim na sa paglilitis ang employer ni Mancilla at kung mapapatunayang guilty ay maari itong makulong.
Kasama rin sa parusa na maaring maipataw sa kaniya ay lashing o paghagupit at maaring pagmultahin.
Ayon kay Mancilla, pwersahang ipinainom sa kaniya ng employer ang bleach matapos siyang magkamali sa pagtitimpla ng tsaa.
Pinagtatrabaho din umano siya ng kaniyang amo ng 20-oras kada araw at kape lang ang nailalaman sa kaniyang tyan.
Nang bisitahin noon sa ospital ng mga tauhan ng konsulada si Mancilla ay payat na payat ito at may mga sugat at pasa sa katawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.