Mga Pinoy sa Maryland, USA pinag-iingat kasunod ng insidente ng pamamaril
By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 07:43 AM
Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipino Community sa Maryland, USA na maging maingat kasunod ng panibagong insidente ng pamamaril sa lugar.
Payo ng DFA sa mga Pinoy, iwasan ang magtungo sa malapit sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril.
Naganap ang pamamaril sa business park sa Harford County sa Baltimore.
Apat ang nasawi kabilang ang babaeng suspek sa shooting incident.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.