44 patay sa tumaob na passenger ferry sa Tanzania

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 07:05 AM

PHOTO: Stephen Msengi, PRO of Ukerewe District, Tanzania

Patay ang 44 na katao makaraang tumaob ang sinasakyan nilang passenger ferry sa Lake Victoria sa Tanzania.

Ayon kay Mwanza Regional Commissioner John Mongella, inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy pa ang rescue efforts ng mga otoridad sa iba pang nawawala.

Umabot naman na sa 37 ang nailigtas.

Hindi rin masabi ng mga otoridad ang eksaktong bilang ng sakay ng ferry, pero ang mga passenger ferry sa Tanzania ay nakapagsasakya ng daan-daang katao at kadalasan ay overcrowded ang mga ito kapag bumibiyahe.

Naglalayag ang ferry patungo sa Ukara at Bugolora nang ito ay bumaligtad malapit sa Mwanza.

TAGS: passenger ferry, Radyo Inquirer, sea accident, tanzania, passenger ferry, Radyo Inquirer, sea accident, tanzania

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.