Hinihinalang napabayaang kandila ang dahilan ng sunog na sumiklab sa isang residential area sa Caloocan City kagabi sa kasagsagan ng paggunita ng Undas.
Aabot sa 30 kabahayan ang tinupok ng apoy sa loob ng PNR Compound, Bgy. 33, District 2 na umabot sa 5th alarm.
Ayon kay Fire sr Supt., Wilberto Kwan Tiu, Camanava District Fire Marshall, nagsimula ang sunog sa tahanan ng isang Jose Romero dakong alas-7:14 ng gabi.
Wala umanong kuryente sa tahanan ni Romero kaya’t hinihinalang napabayaang kandila ang pinagmulan ng insidente.
Dalawa naman ang napaulat na nasugatan sa sunog na kinabibilangan ng may-ari ng bahay na si Romero at isang bumbero na nagtamo ng gasgas sa katawan matapos mahulog sa isang open manhole.
Pasado alas 9:00 na ng gabi nang maapula ang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.