4 na bahay nasunog sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2018 - 06:29 AM

Contributed Photo

Tinupok ng apoy ang residential area sa Sampaloc, Maynila.

Apat na bahay ang nasunog sa bahagi ng Fajardo Street kanto ng Maria Cristina sa sunog na nagsimula ala 1:29 ng madaling araw.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog at agad ding naapula.

Wala namang nasaktan sa sunog at patuloy na inaalam ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Inaalam pa rin kung ano ang pinagmualn ng apoy.

TAGS: fire, manila, Sampaloc, fire, manila, Sampaloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.