Ebidensya ni Senador Trillanes para sa kanyang amnestiya tinawag na self-serving ng DOJ

Itinuring ng Department of Justice (DOJ) na self-serving ang ebidensya ni Senator Antonio Trillanes IV

Sa 10-pahinang dagdag pleadings na inihain sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150, iginiit ng prosekusyon na ayaw aminin ni Trillanes na guilty ito sa kasong kudeta at rebelyon noong mag-apply ito ng amnesty noong 2011.

Binanggit din ng state prosecutors ang kabiguan ng senador na magsumite ng kopya ng kanyang application form na tinanggap ng Department of Defense.

Ipinagpaliban naman ng korte ang desisyon kung maglalabas ito ng arrest warrant at hold departure order (HDO).

Mayroong 5 araw ang senador para sagutin ang rejoinder ng DOJ.

Pinawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya ni Trillanes base sa Proclamation 572.

Read more...