IED nadiskubre ng mga magsasaka sa Compostela Valley

By Len Montaño September 21, 2018 - 01:15 AM

Naudlot ang planong pagpapasabog ng improvised explosive device (IED) sa Maco, Compostela Valley matapos na madiskubre ng mga magsasaka ang bomba.

Unang nakita nina Loreto Concon at Artemio Mandaue ang electrical wiring na nakabaon sa lupa at may karugtong pala itong IED na nakabaon naman sa kalsada.

Ayon sa otoridad, isang anti-vehicle at anti-personnel landmine ang nakuhang pampasabog.

Narekober din ang 50 metrong electrical wiring.

Sinabi ng 71st Infantry Battalion ng Philippine Army na isang komite ng New People’s Army (NPA) ang nagtatangkang manggulo kasabay ng ika-46 anibersaryo ng Martial Law araw ng Biyernes.

Nasa pangangalaga na ng militar ang IED para walang madisgrasya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.