ITCZ magpapahirap sa rescue operations sa landslide victims sa Naga, Cebu

By Rhommel Balasbas September 21, 2018 - 04:36 AM

Cebu Provincial Government

Inaasahang magiging mahamog at maulap ang panahon sa lalawigan ng Cebu sa mga susunod na araw bunsod ng umiiral na Intertropical Covergence Zone (ITCZ).

Bunsod nito, posibleng maapektuhan ang isinasagawang rescue operations para sa mga biktima ng landslide sa Naga City.

Ayon kay PAGASA Mactan Chief Engr. Al Quiblat Jr., patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may mahina haggang sa katamtamang mga pag-ulan ang ITCZ sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Quiblat mula nang magsimula ang buwan hanggang kahapon September 20, 12 maulan na araw ang naitala ng PAGASA-Mactan sa lalawigan.

Umabot na rin sa 133.5 millimeters (mm) na tubig-ulan ang bumuhos sa lalawigan hanggang noong Miyerkules.

Dahil sa mga ganitong pag-ulan ay posible anya talaga ang mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Nasa 300 emergency responders mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ang patuloy na nagsasagawa ng rescue operations sa Naga hanggang kagabi.

Sinabi ni weather specialist Romeo Aguirre na mapanganib ang rescue operations dahil patuloy ang paggalaw ng lupa.

Sakali anyang magkaroon ng paggalaw sa lupa sa kasagsagan ng ulan ay posibleng may maganap ulit na landslides.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.