4,000 pulis idedeploy ngayong araw para sa Martial Law anniversary protests

Nasa 4,000 pulis ang ipakakalat ngayong araw upang siguruhin ang seguridad sa mga kilos-protestang isasagawa kasabay ng paggunita sa Martial Law declaration ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa panayam ng media kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, sinabi nitong walang banta na namonitor ang pulisya.

Gayunman, nais anya nilang tiyakin na walang hindi kanais-nais na insidente ang mangyayari.

Bukod sa deployment ng 4,000 pwersa ng pulisya, ay mayroong 1,500 pa ang nakastandby bilang augmentation force.

Inaasahang magsasagawa ng mga pagkilos ang mga kritiko at tagasuporta ng administrasyong Duterte ngayong araw sa mga lungsod ng Maynila at Quezon.

Ayon kay Eleazar, mayroong mga physical barriers at mga pulis na papagitna para maiwasan ang anumang gulo.

Tiniyak ng opisyal na nakatutok ang liderato ng militar at AFP sa monitoring para sa seguridad sa araw na ito.

Nauna nang nagdeklara ng suspensyon ng klase si Manila Mayor Joseph Estrada dahil sa inaasahang mga pagkilos.

Read more...