Lalaki patay sa pananaksak sa Bulacan

By Justinne Punsalang September 21, 2018 - 04:02 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagsasaksaking sa Barangay Gayagaya, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Jerome Baysa, 30 taong gulang.

Sa ngayon ay hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng salarin.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, nakasakay sa tricycle si Baysa at papauwi na sana sa kanilang bahay nang mayroon itong nakasagutan.

Nagkainitan at nagkagulo umano ito at ang kanyang nakaaway na hindi lumaon ay nauwi sa saksakan.

Narekober mula sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang replica ng baril, ngunit hindi pa batid kung sa kanya ba ito.

Tumanggi na ang pamilya ni Baysa na i-proseso sa SOCO ang bangkay nito.

Gayumpaman, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang mga pangyayari na humantong sa pananaksak sa biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.